Pag Nanalo Si Binay, Kasalanan Mo
Oo. Ikaw. Lagot ka!
Share ka nang share ng English news sa FB mo. Tapos may kasama pang comment na “This is why Philippines is going to the dogs. The dregs of society selling our future for a kilo of rice.”
Edi waw.
Ikaw na ang smart voter. Ikaw na ang ayaw sa Eat Bulaga at GGV. Ikaw na ang hindi nauuto sa halagang 500 pesos at libreng screening ng Isang Bala Ka Lang.
Eh wait lang teh, sino bang kinakausap mo sa FB post mo? Para kasing mga “edukado” lang ang makakaintindi ng rants mo eh. Malamang sa malamang, yang edukadong friends mo, alam na nilang ang boto ay hindi simpleng pangalan lang sa papel. Alam nilang barya lang ang libreng cake kumpara sa kayang nakawin ng mga nakaupo sa pwesto.
Ang dapat nating gisingin ay yung others. Yung mga hindi maka-relate sa articles ni Rappler dahil busy silang maglako ng gulay nung panahong nag-t-take ka ng English 12. Yung mga nakatutok sa teleserye sa hapon kasi di nila gets yung pinagsasabi ng mga senador na nag-pa-pastar sa livestream ng senate hearing. Yung mga j3j3 na mahilig mag-selfie na may wrong gramming. Yung mga magulang na pinapakembot ang anak sa TV kapalit ng 5,000 pesos.
Try mo kayang i-reach yung mga taong tinatawanan mo?
Di mo kailangang lumabas. Palitan mo lang kung pano mo gamitin ang social media.
Try mong mag-Taglish. O Kapampanglish. O kung anupamang wika ang makakarating dun sa mga “mahina ang pang-intindi”.
Kahit English yung article na shinashare mo, maglagay ka ng kaunting comment para sa kanila. I-summarize mo. O kaya magmura ka. Magpatawa. Magdrama. Pucha, galawang pulitiko na to!
Kahit simpleng “Daming palusot nitong si Binay. Ano ngayon kung ampon si Grace Poe? Matino naman gumawa ng batas”, dagdag mo sa post mo. Para lang alam nila kung ano ba sinasabi nitong link na “Representative XYZ Protests Candidacy of ABC Citing Conflict With Residency Rules”.
Kahit di nila i-like, merong 0.0001% chance na mabasa yan habang nagbbrowse ng updates sa kasal ni Toni Gonzaga o naguupload ng selfie. Tignan mo: kung 1,000,000 tayong may post na ganyan ang sinasabi, edi 100 na beses na makakarating sa others yung mensahe natin! Diba? Asteeeg.
Try mo lang.
Malay mo, magising sila.
Malay mo, mas pahalagahan nila yung boto nila.
Malay mo, ma-feel nilang kailangan natin yung tulong nila para mabago ang Pinas.
Kesa naman puro tayo reklamo na hindi natututo mga kababayan natin, tapos wala naman tayong ginagawa para baguhin yun.
Ω
No comments yet, leave yours below?
Warning: Undefined variable $commenter in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 296
Warning: Trying to access array offset on value of type null in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 296
Warning: Undefined variable $commenter in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 301
Warning: Trying to access array offset on value of type null in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 301