mary’s blog

(where mary is always write)

Preenlistment at Pag-ibig (Archived)

(Author’s note: this is a guide I wrote for UP Diliman students on how to use one of CRS’s registration modules. I’m back-posting it here for public access (public heckling?) The original version can be found in the files section of the UPD CRS Official Page on Facebook, among other useful announcements.)

WARNING: This is a highly-targeted piece of writing with lots of inside jokes for UPD students and/or Filipinos. My apologies to the readers who might feel left out.

Preenlistment at Pag-ibig (The Seven Capital Tips)

Ang preenlistment, parang pag-ibig:

  • Yung gusto mo, di ka gusto. O kaya yung gusto mo, gusto rin nilang lahat.
  • Dahil marami kayong may gusto sa kanya, di mo siya makukuha (See: bitter ka)
  • Pag nakuha mo yung gusto mo, may darating na mas maganda. Mababaliw ka tuloy kung iiwan mo ba yung nasayo o magttiyaga ka na lang…

Pero wag ka masyado emo. Basahin mo na lang yung preenlistment tips para magka-advantage ka naman kahit konti. Malay mo, ma-apply mo pa sa lovelife mo.

Tip # 1: No tiyaga, no nilaga.

Wag kang petiks. Magpreenlist ka sa 1st round.

Tiyaga-in mong kumuha ng account, tapusin ang SET, at iresearch kung anong classes ang available para maayos mo ang desired classes bago magsara ang 1st Preenlistment round. No amount of begging and ritual sacrifice will give you a good schedule kung sa 2nd round ka lang mag-p-preenlist. Tira-tira na lang yung mga slots dun. Kumbaga sa ukay-ukay, wala nang zipper, butas na yung kili-kili, at may weird stain pa yung mga damit offered sa 2nd round.

Nasa huli ang pagsisisi.

Tip # 2: The more entries you send the more chances of winning.

Basta hindi ka pa sinasagot, ligaw lang ng ligaw… sa iba.

Ganyan din sa preenlistment. Kaya nga may maximum of 20 desired classes na pwede ipreenlist eh.Punuin mo sila at wag lang umasa sa 1st choice mo. Baka di ka sagutin ni 1st choice… mabuti nang sigurado.

But wait, there’s more: may strategy kahit sa pagpili ng not-so-perfect classes. Matutong gamitin ang demand info, restriction remarks, superior logic at gambling powers sa pag-rank ng mga classes. Pano? Basahin yung ibang tips!

Tip # 3: Wag ipagsiksikan ang sarili…

Bakit di mo nililigawan si Angelina Jolie? Kasi restricted na siya kay Brad Pitt.

In the same manner, wag mo nang ipreenlist ang subject na restricted sa (ie) EEE kung hindi ka naman EEE student. Mission: Impossible eh. (Unless 20 slots lang ang reserved sa kanila, tapos may 10 na free-for-all, in which case, it’s your choice kung makikipag-agawan ka pa.)

Ganun din sa barred subjects. Kapag ayaw sayo nung class, wag mo na ipagpilitan ang sarili mo sa kanila. Naalala mo yung crush mo na sinasabi “Ay, sorry, allergic ako sayo eh”. Learn to take a hint. Kapag “Barred: (your course here)”, NO ENTRY talaga. Ipaubaya na sa iba, makakahanap ka rin ng para sayo.

Again: alamin kung restricted, barred, o reserved ba para sa course mo ang certain subjects bago ka magpreenlist. Kung may slots pa para sayo, sige lang, preenlist! Pero kung hindi ka pwede, wag na ipagpilitan. Kulit you.

Tip # 4: Wag kang choosy. Humanap ka ng panget.

Ang hirap naman sayo kailangan gwapo, mabait, matalino, at mayaman – tapos straight pa. Choosy ka te? Wala nang available na ganyan sa mundo!

Tulad sa preenlistment. Okay lang mangarap at maglagay ng class na 30 slots/450 demand sa 1st choice mo. Pero sana maging rational ka sa mga susunod na choices. Maglagay ka naman ng mga “tiyaga-able” subjects sa bandang dulo ng ranking. Yung tipong walang masyadong nakaka-appreciate. Para kapag di mo nakuha yung 1st choice, at least may nakuha ka.

Ang labo nung mga taong 1st-20th choice eh lotto-level ang chances of winning. Para mong nilandi si Piolo Pascual, Jaejoong, Jang Geun Seok, at Gerald Anderson tapos pag ni isa walang sumagot sayo, iyak-iyak ka diyan. Maglagay ka naman ng mga pang lesser mortals sa dulo ng ranking. Safety net.

Ilagay mo yung mga 7am GE sa 20th choice. Yung mga tipong suicidal lang or walang social life ang kumukuha? Pag di mo pa nakuha yun ewan ko na lang. Wag kang choosy. Mabuti na may class kesa sa wala, diba?

Tip # 5: Daig ng sakim ang masipag. (When in doubt, hoard GEs and PEs)

Eh wala pa akong major eh?! Pano ko pipiliin yung GEs at PEs ko?!  – frustrated, whiny student

Kung hindi pa ready si department na ilabas ang list of majors mo for the next semester (may mga department na 2nd round lang naglalabas ng schedule ng majors *grumblegrumble*), go batshit-crazy and preenlist 20 GEs sa 1st round. Kasi kung hihintayin mo pang mag-2nd round, wala nang matitira sayo, mehn.

Pag lumabas na yung schedule ng majors, edi ipreenlist mo na lang sa higher ranking. Edi solb ka na.

Tip # 6: Bawal ang two-timer. Or three. Or twenty-timer.

Try mo dalhin sa date lahat ng bente mong girlfriend… Buhay ka pa?

Ganun din sa Preenlistment. Hindi ka bibigyan ng subjects na in conflict.

Ibig sabihin ng in conflict, may mga classes ka na nagbabanggaan. Ang possible sources of conflict (maliban sa natural oil reserves) ay:

  • Same subject (ie meron kang Kas 1 TTh 8:30-10, at Kas 1 WF 2:30-4)
  • Same schedule (ie Kas 1 TTh 8:30-10, PE 2 Bird-watching TTh 9-10)

Kahit pinapayagan ka ni CRS robot na ilista ang 20 beautifuuuuul desired classes mo, hindi ka pa rin niya bibigyan ng classes na in conflict. Ergo, kapag nakuha mo na ang isang Kas 1, di ka niya bibigyan ng isa pang Kas 1. Ang galing-galing niya diba? *good robot* Hindi ka rin niya bibigyan ng subjects na magbabanggaan ang schedule. Wala pang time-turner sa UP eh.

Kung may desired classes ka na in conflict, ilagay mo sa mas mataas na rank yung mas gusto mong class. Para alam ni CRS robot na given a choice, mas mahal mo si Kas 1 kesa kay Bird-watching.

Tip # 7: Extra tip (how to know which classes are in conflict or in danger of cancelling others)

Merong sureball way para malaman kung sinong mga classes ang nag-c-conflict sa isa’t-isa. Try mo itapat yung mouse cursor sa isang class sa list of desired (see attached screenshot).

When mouse hovers over a row in the desired classes list, other classes that are in conflict with it are also highlighted.

Ibig sabihin nito, kapag nakuha ko na si Kas 1 THR1 (highest rank), di ko na makukuha si CW 10 THR1 or si SEA 30 THU1.

Kapag nakuha ko naman si CW 10 tapos nagbago ang isip ni CRS robot at may space pa pala si Kas 1, icacancel niya yung CW 10 IF AND ONLY IF  ililipat ka sa higher rank. Hindi ka macacancel sa isang class unless may inassign kang higher rank na nagrant sayo.

Keep this in mind when ranking your classes. May unting logic na kailangan, pero kung wais ka, *impossible* na wala kang makuha sa preenlistment. Pramis. Use the not-so-common-common-sense when choosing subjects.

Summary

Maximize the 20 classes, check for restrictions, make a back-up plan for not-so-perfect schedules and use the rankings feature strategically.

Kung di mo pa rin gets yung preenlistment matapos basahin lahat ‘to. Hopeless ka na. Malamang loveless ka rin.

Ω

No comments yet, leave yours below?


Warning: Undefined variable $commenter in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 296

Warning: Trying to access array offset on value of type null in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 296

Warning: Undefined variable $commenter in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 301

Warning: Trying to access array offset on value of type null in /home/marymaca/public_html/blog/wp-content/themes/manlymary/functions.php on line 301

Leave a Reply

All fields marked with * are required. Don’t worry. Your email address will not be published or entered into internet lotteries.

Get mary’s tall tales right in your RSS feed. Share this epic tale of lies on twitter! Read in the dark. Ack! This cursed pinkness! Manlify this blog!